Magandang opurtunidad handog ng PESO job fair

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 14.jpg 15.jpg 16.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

Para kay Arvin Acuzar ng Bauan, Batangas, 28 taong gulang at isang NDT technician, ang pagtatrabaho sa abroad ay magbibigay sa kanya ng pagkakataon na kumita ng mas malaki upang makapaghanda na siya sa buhay may-asawa kayat nag-apply siya sa job fair ng Batangas City Public Employment and Service Office(PESO) noong January 20. May 33 local at limang international companies ang lumahok sa Handog ni Mayor: Trabaho para sa mga Taga Lungsod ng Batangas job fair kung saan ang mga kailangang workers sa local ay mga fast food crew, call center agents, sales agents, sales ladies, sales clerks, car at motor dealers, construction workers, janitorial services at iba pa.

Ang mga kailangan namang overseas jobs para sa Singapore, Saudi Arabia, Malaysia at Qatar ay mga doktor, nurses, physical therapists, nutritionists, engineers, technicians, construction workers, factory workers, welders, plumbers, waiters, draftsmen at iba pa.

Ang Bureau of Jail Management and Penology(BJMP) ay may hiring din ng mahigit 100 jail officers para sa deployment sa Batangas City. May 355 ang dumating na aplikante kung saan 77 ang hired on the spot. (PIO Batangas City)