Industry at academe partners ng CLB pinarangalan

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg

BATANGAS CITY- Ginanap ang 1st Colegio ng Lungsod ng Batangas Caliber Awards and Recognition Day para sa kanilang Industry and Academe Partners na naging katuwang sa pag unlad ng kolehiyo.

Naging bahagi ng awarding ceremony na ginanap ngayong December 6 sa Batangas City Convention Center ang signing of Statement of Commitment ng mga industry at academe partners bilang tanda ng matatag at matibay na partnership at pagkakaisa sa pagsuporta at pag tulong sa pag asenso at pagbabago ng bawat mag-aaral ng CLB.

Sa mensaheng ipinaabot ni Mayor Beverley Rose Dimacuha para sa mga mag-aaral ng CLB, sinabi niya na hindi agad makakamit sa isang iglap ang lahat ng pagbabago tungo sa progreso ng paarlan. Lahat ito ay pinaghihirapan kung kayat malugod siyang nag papasalamt sa lahat ng mga partners na tumutulong para sa pag uland ng nasabing paaralan.

Ayon kay Rogie Hernandez ng Society Glass & Gabriel Builders, isa sa mga Caliber awardees, nagpasalamat siya sa pagkilalang kanyang natanggap. “Ang aming kumpanya ay walang sawang susuporta at tutulong sa ikabubuti ng mga mag-aaral. Bukas din kami sa pagbibigay ng de kalidad na pagsasanay upang magkaroon ng maayos na hanapbuhay ang mga graduates. Patuloy kaming tatanggap ng mga OJTs na maari naming i hire bilang mga empleyado,” sabi ni Hernandez.

Kabilang sa mga Caliber Awardees ang mga sumusunod: Industry partners- Society Glass & Gabriel Inc., SIDC, IT Services Division Batangas City Government, South Bound Computer Center at Integrity Net Solution Net Service . Teacher awardees: Dr. Donato Bueno, OIC City Schools Superintendent; Dr. Vicky Fababier, chief education supervisor, School Governance Operation Division (CSGOD) ng DepEd Batangas. Academe partners- Sta Rita Elementary School at Tabangao ES.(PIO Batangas City )