42 applicants sa job fair hired on-the-spot

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

May 39 na aplikante ang hired on-the- spot para sa local employment at tatlo namang kababaihan ang kaagad natanggap bilang service crew, office staff at housekeeping sa ibang bansa sa idinaos na job fair ng pamahalaang lungsod na may titulong “Trabaho para sa m ga Batangueño, Handog ni Mayor Beverley Dimacuha” noong September 30 sa Batangas City Coliseum.

Umabot sa 408 ang registered applicants ng naturang job fair kung saan 264 kwalipikadong aplikante ang sasailalim sa final interview sa mga kumpanya.

Walong international companies at 25 local companies ang nakiisa sa job fair na ito na ika limang beses ng isinagawa ng Public Employment Service Office (PESO) ngayong taong ito. Nakatakda muling magsagawa nito sa Enero, 2018.

Dumalo sa job fair sina Rose Rosales, labor and employment officer ng Philippine Oversees Employment Administration (POEA) at Dr. Russell Ingco mula sa Batangas Provincial PESO. (PIO Batangas City)