Siyam na pulis ng Batangas City PNP kinilala sa pagkakahuli sa isa sa most wanted carnappers

  PNP1.jpg PNP2.jpg

Nagpasalamat si OIC Police Supt. Norberto Delmas sa mainit na pagtanggap sa kanya ng mga taga Batangas at sinabing gagawin niya ang lahat upang hindi mabigo ang kanyang magandang hangarin para sa katahiimmikan at kaayusan ng lungsod kung saan aniya ay masaya, mabait at magalang ang mga Batangueno.

Samantala, binigyan ng certificate of commendation ni Mayor Beverley Dimacuha ang siyam na pulis ng Batangas City PNP sa pangunguna ni dating Pol. Supt. Barnard Dasugo sa pagkakahuli sa isang Jeffrey Dimaano Furto na isa sa Top Ten Most Wanted Persons sa Lamat Sibat dahilan sa paglabag sa RA 6539 o anti-Carnapping Ac t of 1972 noong April 10 ng taong ito sa Barangay Tingga Labac, Batangas City.

Ang iba pang ginawadan ng pagkilala na iniabot sa kanila nila City Administrator Narciso Macarandang at City Legal Officer Teodulfo Deguito ay sina: SPO2 Tadeo de Chavez, SPO1 Christian Boy Aranza, SPO1 Paulino Eje, SPO1 Dennis Dinglasan, SPO1 Joryel Alo, PO2 Joel Military, PO1 Reynaldo Mendoza Jr. at PO1 Noime Nitro. (PIO Batangas City)