Batangas City PNP nagdaos ng caravan para sa pagkuha ng LTOPF

  LTOPF1.jpg LTOPF2.jpg LTOPF3.jpg LTOPF4.jpg LTOPF5.jpg

BATANGAS CITY- Upang makakuha ng License to Own and Possess Firearms (LTOPF) ang mga pulis at sibilyan ng hindi na kailangan pang pumunta Sa Camp Crame, nagsagawa ng tatlong araw na caravan ang Batangas City Police na nagsimula noong April 18 sa Teachers Conference Center.

Ayon kay Pol. Supt Dennies A. Esguerra, Acting Chief of Regional Civil Security Unit IV-A Civil Security Group, malaking tulong ito sa mga taga lungsod upang maging maalwan ang mga gun holders sa pag aapply at pag renew ng kanilang lisensiya. Ang mga gun holders na may expired license, mag papatransfer o bibili ng baril at kukuha ng permit to carry ay kailangan munang makakuha ng LTOPF permit bago sila makapag transact sa Camp Crame.

Sa bagong batas na Rep. Act. 10591, ginawang requisite ang LTOPF sa pag kuha ng permit. Hindi lamang dapat kumuha ng lisenya o mag renew nito ang may- ari ng baril, kundi dapat na ding ipa rehistro ang baril. Ang lisenya ay may expiration na dalawang taon habang ang registration ng baril ay may expiration na apat na taon.

Ang mga requirements sa pagkuha ng LTOPF ay ang neuro- psychiatric clearance, police clearance, NSO birth certificate, drug test, MTC at RTC clearance, finger prints, ballistic examination, gun safety seminar at RID clearance.

May 100 aplikante lamang bawat araw ang pwedeng i proseso sa caravan upang maging maayos at komportable ang mga aplikante. Nag pasalamat naman ang Batangas PNP sa suportang ibinigay ng pamahalang lungsod. (PIO Batangas City)