Oplan Semana Santa handa na

  oplan1.jpg oplan10.jpg oplan11.jpg oplan12.jpg oplan13.jpg oplan14.jpg oplan2.jpg oplan3.jpg oplan4.jpg oplan5.jpg oplan6.jpg oplan7.jpg oplan8.jpg oplan9.jpg

BATANGAS CITY-Nagsimula na ngayong araw na ito ang Oplan Semana Santa 2017 kung saan may mga public assistance centers na nakatalaga sa Batangas Port, Grand Terminal at iba pang strategic na lugar upang umalalay sa publiko partikular sa mga bihayero na inaasahang dadagsa ngayong Kwaresma.

Kasama sa mga public assistance centers na ito ang Batangas PNP, Bureau of Fire Protection, City Health Office, Philippine Coast Guard at Philippine Red Cross Batangas Chapter.

Ayon kay Fe Faytaren, Operation in-Charge sa Passenger Ro-ro ng Batangas Port, halos doble ang mga pasahero simula pa noong Lunes Santo subalit walang dapat alalahanin dahil maraming barko ang bumibyahe. Sinabi rin niya na mayroong relaxation period na ibinigay ang Philippine Coast Guard kung saan open ang schedule ng mga barko upang mapabilis ang biyahe ng mga pasahero.

Pagiibayuhin ang police visibility sa mga simbahan at mga pangunahing lansangan para sa seguridad ng publiko. Mayroon ding mga motorist assistance points o check points sa mga major roads at mga lilibot na police patrol upang maiwasan ang nakawan at iba pang krimen.

Mayroon ding ginawang activation ng Incident Management Team ang pamahalaang lungsod sa pamumuno ni Police Supt. Barnard Dasugo kasama ang ilang ahensya kagaya ng CDRRMO, Red Cross at iba pa upang epektibong makapag monitor at makatugon sa anumang emergency sa loob ng panahong ito. (PIO Batangas City)