Pamumuhay sa Batangas City pinag-aaralan ng mga presidential candidates ng state colleges at universities

  DAP1.jpg DAP2.jpg DAP3.jpg DAP4.jpg DAP5.jpg DAP6.jpg DAP7.jpg

Binuksan ng Department of Education ang taunang division sports competition sa Batangas City Coliseum ngayong October 24 kung saan kalahok dito ang ang mga elelmentary at high school students mula sa iba’t ibang public school districts at apat na private schools.

May sampung mga kandidato sa pagka presidente ng mga state colleges at universities mula sa iba’t ibang rehiyon sa bansa ang narito ngayon sa Batangas City upang pag-aralan ang pamumuhay sa lungsod at ang pamamahala ng mga kolehiyo at unibersidad dito bilang bahagi ng kanilang post graduate studies sa Development Academy of the Philippines (DAP).

Sila ay titigil dito ng 10 araw para sa pag-aaral na ito habang enrolled din sila sa Batangas State University bilang isang requirement upang maging kwalipikado sila sa pagiging presidente ng isang state university o college. Sila ay pansamantalang titira sa ilang pamilya sa brgy. Pallocan West at brgy. Cuta. Pag-aaralan rin ng mga bisita ang pamamahala ng mga kolehiyo at unibersidad sa lungsod ng Batangas.

Tiniyak naman ng pamahalaang lungsod ang kaligtasan at katiwasayan ng mga bisita habang sila ay narito. May koordinasyon ito sa pangulo ng barangay, sa kapulisan at sa Defense Security Services (DSS). Katulong din ang Commission on Higher Education (CHED) at ang City Social Welfare and Development Office (CSWDO). Bago simulan ng mga delegado ang kanilang pag-aaral sa lungsod ay nagkaroon muna ng orientation/briefing kasama ang kanilang host families.

Nagpasalamat naman ang mga kinatawan ng DAP kina Mayor Beverley Dimacuha at Cong . Marvey Mariño sa mainit na pagtanggap sa kanila at suporta sa proyektong ito.

Nagbigay ng background si Cong. Mariño tungkol sa lungsod, at sa pagtutulungan ng mga kolehiyo at unibersidad at ng pamahalaang lungsod upang makapagkaloob ng de kalidad na edukasyon at pagsasanay na magpapataas ng employment ng lungsod. (marie v. lualhati)