PERKINSPIRED Campus Tour

  perkins1.jpg perkins2.jpg perkins3.jpg perkins4.jpg perkins5.jpg perkins6.jpg

Hindi lamang na entertained kundi na inspired pa ang mga piling estudyante ng Batangas National High School (BNS) ng kumanta at nagsalita sa kanilang Gymnasium ang Perkins Twins na sina Jesse at Christian para sa kanilang PERKINSPIRED campus tour.

Ang Perkins Twins ay iniidorso ng Department of Education na bumisita sa mga eskwelahan upang talakayin ang kanilang advocacy laban sa bullying, human-trafficking, illegal drugs at masasamang bisyo at hikayatin ang mga kabataan na maging mabubuting halimbawa.

Sila din ay celebrity ambassadors ng World Vision Philippines; The Voice of Human Trafficking, Global Impact Phils..

“Malaking honor at blessing para sa amin na gamitin kami ng Diyos bilang instrument in spreading good vibes”ayon kay Jesse. “Its cool to be good and cool to do the right thing so be the best that you can be, focus on your studies,’’ payo ni Christian”.

Ang kambal ay recording artists ng Universal Records at ang pinakabagong sumisikat na Filipino-American showbiz stars sa kasalukuyan. Nadiskubre sila sa isang interview sa TFC (The Filipino Channel). Bukod sa pagiging international fashion models, sila din ay athletes ( Grand Prix tennis doubles champions) at young entrepreneurs.

Bagamat lumaki sa ibang bansa, may clean at wholesome image ang kambal at may matibay na pananampalataya sa Diyos. Naging full scholars din sila ng University of California at Berkeley at President Bush and President Obama awardees.

Bukod sa campus tour, nag mall tour din ang Perkins Twins sa SM City Batangas noong September 19 upang i promote ang kanilang latest album, ang Can’t Stop.