DepEd: Pasukan na sa June 13.

  96-DepEd-Pasukan-na-sa-June-13-1.jpg 96-DepEd-Pasukan-na-sa-June-13-2.jpg 96-DepEd-Pasukan-na-sa-June-13-3.jpg

Balik paaralan na ang mga public elementary at high school students sa June 13 dala ang kanilang mga inaasam na maayos silang makakapag-aral sa isang silid aralan, may sapat na libro at bilang ng guro at pantustos ng magulang sa lahat ng kanilang mga gastusin.

Ayon kay Dr. Donato Bueno, OIC Schools Division Superintendent, tagumpay na naisagawa ang “Brigada Eskwela” noong nakaraang linggo bilang paghahanda sa pasukan kung saan ay tulong tulong ang mga magulang, lokal na pamahalaan at mga private volunteers sa paglilinis at pag aayos ng mga paaralan.

Isinasagawa naman ngayon ang “Balik Eskwela” kung saan ay nagkakaroon ng mapping ang mga guro sa mga estudyante na hindi nakapag enroll matapos makapagpa pre- register. “Ito ay upang maseguro na lahat ng mga batang nasa school age ay pumapasok sa paaralan,” sabi ni Bueno

Handa na rin aniya ang lungsod sa pagsisimula ng Senior High School kung saan ang Dep Ed ay nag hired ng may 112 teachers na kanilang napili matapos ang isang matinding screening.

“Dahil sa ang mga papasok sa Senior High School ay pang college level, dapat ay magaling ang mga guro kaya pumili kami ng the best among the best teachers,” sabi ni Bueno. Sila ay sumailalim din sa iba’t ibang pagsasanay na makakatulong sa kanilang pagtuturo.
Ayon kay Bueno, may mga hindi natapos na school buildings subalit nakapagbigay ng counterpart na mga gusali ang pamahalaang lungsod l na 3- storey- 15 classroom buildings sa Gulod Stand Alone. Bumili din ang pamahalaang lungsod ng mga silya, white boards, teacher’s table, cabinets at library tables.

May dalawang pampublikong paaralan ang nag ooffer ng senior high school, ang Gulod Stand Alone at Alangilan Central Elementary School. Lahat naman ng private schools ay nag oofer ng senior high school.

Sa mga galing sa public schools na walang senior high school, pwede silang makinabang sa voucher system na ipinagkakaloob ng Department of Education kung saan sila ay libreng makakatanggap ng halagang P 17,500 para makapag enrol sila sa mga private schools. May 60% ng mga estudyante sa lungsod ang nakapag enrol sa senior high school.

“Nasa kultura ng mga Filipino ang magpa enrol hanggang sa opening ng klase o ang iba naman ay nagdadalawang isip kung saang tract sila mag-eenrol, kung sa academic o sa tech voc o sports.”

Dapat malaman aniya ng mga estudyante na sa ilalim ng K-12, ang mga kukuhaning subjects sa senior high school ay hindi na kukunin sa college kaya makakatipid din sila sa tuition sa college.

Mensahe niya sa mga estudyante na “samantalahin ang programang ito ng pamahalaan sapagkat binibigyan nito ng importansya na ang lahat ng bata ay nasa paaralan para na rin sa kanilang kinabukasan.” Hiningi naman niya ang 100% commitment at mahabang pasensya ng mga guro at suporta para sa mga kabataan. (Alvin M. Remo, PIO Batangas City)
Photo by: Elmer Zaraspe