Mga outstanding students ng CLB, kinilala.

“Ang Colegio ng Lungsod ng Batangas ay katuparan ng pangarap ng aking ama, kaya naman lalo naming pinagbubuti ang nasimulan ni Mayor Eddie Dimacuha” ito ang pahayag ni Mayor Beverley Rose Dimacuha sa harap ng mga magulang at estudyanteng magsisipagtapos sa idinaos na taunang Colegio ng Lungsod ng Batangas (CLB) Student’s Day Recognition and Parents Appreciation Day, June 4, 2019 sa Batangas City convention center.

Read more...

EBD scholar cum laude ng Ateneo

Iprinesenta ng EBD scholar na si Jelmer Jon Ochoa kay Mayor Beverley Dimacuha ang diploma at medalyang kanyang natanggap bilang cum laude sa kursong Bachelor of Science in Management Engineering sa Ateneo de Manila University bilang pasasalamat sa suporta at tulong pinansyal na ipinagkaloob ng Punonglungsod sa kanyang apat na taong pag-aaral sa nabanggit na paaralan.

Read more...

Tradisyunal na Santacruzan, pinananatiling buhay sa Batangas City

Sa pagtataguyod ng Basilica ng Immakulada Concepcion at sa pakikipagtulungan ng Cofradia de la Inmaculada Concepcion ay muling isinagawa sa lungsod ng Batangas ang tradisyunal na Santacruzan bilang pagtatapos ng 31 araw na Flores de Mayo na idinaos sa Basilica.

Read more...

Senior Citizens building, pinasinayaan

Pinangunahan nina Congressman Marvey Mariño at Mayor Beverley Dimacuha ang blessing ng senior citizens building sa barangay Haligue Silangan, May 31. Ito ay itinayo sa karugtong na loteng kinatatayuan ng barangay hall.

Read more...

Cash for Work Pay out, isinagawa

BATANGAS CITY Tinanggap na ng 330 Climate Change Adaptation and Mitigation (CCAM) Risk Resiliency – Cash for Work project beneficiaries ang kanilang sweldo mula sa sampung araw nilang pagtatrabaho mula ika-8 hanggang ika-22 ng Mayo.

Read more...

Barangay Simlong kampeon sa Mayor's Cup 2019

Tinanghal na Mayor Beverley Rose A. Dimacuha Cup 2019 Inter-Barangay Basketball League - Junior’s Division champion ang Barangay Simlong matapos talunin ang karibal nitong Barangay Balete sa harap ng kanilang mga tagasuporta sa championship game na ginanap noong ika-29 ng Mayo sa Batangas City Sports Coliseum.

Read more...

Associations at Enumerators ng OCVAS, tumanggap ng honorarium

Pinangunahan ni Mayor Beverley Dimacuha ang pamamahagi ng honorarium sa mga enumerators at mga kasapi ng iba’t ibang samahan na katuwang at nasa ilalim ng pangangasiwa ng Office of the City Veterinary and Agricultural Services sa implementasyon ng kanilang mga programa. Ang honorarium distribution ay ginanap kaninang umaga, May 30, sa nabanggit na tanggapan.

Read more...

First Gen LNG Corporation’s LNG Terminal Project marks Kagami Biraki groundbreaking ceremony

First Gen LNG Corporation’s (FGEN LNG) LNG Terminal Project held its “Kagami Biraki” groundbreaking ceremony last 28 May 2019 at the First Gen Clean Energy Complex (FGCEC) in Batangas City.

Read more...