Brgy. Pallocan West may best practices sa paghahanda sa kalamidad

Sa 105 barangay sa Batangas City, ang Barangay Disaster Risk Reduction and Management Council (BDRRMC) ng Pallocan West ang isa sa maituturing na modelo dahilan sa mga best practices nito na nakakatulong sa pagpapalakas ng kanilang kahandaan sa anumang kalamidad upang maging ligtas at maiwasan ang pagkawala ng buhay at ari-arian.

 

 

Read more...

Provincial Agricultural and Fishery Council Meeting

Dahilan sa todong pag-iingat at maayos na pangangasiwa ng mga local governments sa Batangas Province, nanatiling ligtas sa African Swine Fever (ASF) ang livestock industry sa probinsiya subalit apektado ang bentahan ng karneng baboy sa palengke ayon kay Moises Dalisay, chairperson ng City Agriculture and Fisheries Council (CAFC). Positibo siya na kapag nanatiling ASF-free ang Batangas City kung saan may kabuuang 2,401 backyard at commercial livestock raisers, tatanghalin itong pinakamalaking supplier ng baboy sa rehiyon.

 

 

Read more...

Night market sa lumang palengke simula na

BATANGAS CITY- Nagsimula na ngayong araw na ito, September 24, ang night market sa V. Luna St. sa lumang palengke mula 3:00 ng hapon hanggang 10:00 ng gab.

 

 

Read more...

Mahigit 8,000 runners lumahok sa 43 rd Milo Marathon sa Batangas City

Matagumpay na naisagawa ang 43 rd Milo Marathon sa Batangas City noong September 22 kung saan mahigit na 8,000 runners sa buong bansa ang lumahok sa ika limang leg ng kumpetisyon sa 3K, 5K, 10K at 21K runs para sa male at female racers.

 

 

Read more...

Iba’t ibang sektor sa Batangas City lumahok sa international coastal cleanup

Nakiisa ang Batangas City sa 34 th international Coastal Clean Up (ICC), September 21, na may temang “Bayanihhan para sa Malinis na Karagatan at Katubigan.” Ang malaking kooperasyon ng lungsod dito ay bunsod na rin ng imbitasyon/panawagan ni Mayor Beverley Dimacuha sa lahat ng sektor ng komunidad na bigyang pansin at maglaan ng personal na oras para sa pagpapanatili ng kalinisan ng baybaying dagat.

 

 

Read more...

98. 2% ng households sa Batangas City may sanitary toilets

Sa harap ng direktiba ng Department of Health (DOH) sa mga local government units na palakasin ang pagpapatupad ng zero open defecation (ZOD) bilang isa sa mga hakbang upang maiwasan ang sakit na polio na muling bumalik sa bansa pagkatapos ng halos dalawang dekada ng pagiging polio-free, ipinabatid ng Sanitation Division ng City Health Office (CHO)na 67,181 households ng kabuuang households na 68,414 o 98.2% sa Batangas City ang may sanitary toilets noong 2018.

 

 

Read more...

Water interruption dahilan sa road widening

Humingi ng paumanhin at humiling ng pang-unawa si Prime Water Batangas City Branch Manager Chelton Arias sa kanilang mga konsumidores dahilan sa madalas na water interruption sa lungsod na aniya ay dahilan sa “ intensive road widening.”

Ang road widening aniya ay nagdudulot ng water interruption sa Jose P, Laurel Highway na mula Alangilan hanggang Kumintang Ilaya,

 

Read more...

Buwan ng Pamilya ipinagdirwang

BATANGAS CITY –Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Pamilyang Pilipino ngayong Setyembre na may temang “Tungo sa Maginhawa, Matatag at Panatag na Pamilyang Pilipino”, nagdaos ang City Social Welfare and Dvelopment Office (CSWDO) ng Baysanan ng Lungsod sa pakikipagtulungan ng City Civil Registrar’s Office at pagkilala sa mga Natatanging Pamilyang Batangueño sa ibat-ibang Sektor ng Lipunan, September 19, sa OCVAS Training Center.

 

Read more...