Alpa Seals Swimmers, nanalo sa international competition

swimmer1

Bumisita sa tanggapan ni punong lungsod Beverley Rose A. Dimacuha noong ika-17 ng Abril ang mga miyembro ng Alpa Seals Swimming Team na nanalo ng medalya sa katatapos na Thanyapura Invitational Swim Meet na ginanap sa Thanyapura Health and Sports Resort sa Phuket, Thailand noong March 31-April 2.

Read more...

Nangyaring lindol sa Batangas ipinaliwanag ng PHIVOLCS chief

philvolcs1

BATANGAS CITY-Ipinaliwanag ni Department of Science and Technology (DOST) Undersecretary and Phivolcs OIC Renato Solidum Jr. na taliwas sa mga nababalita na may bagong earthquake fault sa Mabini, Batangas, ito ay lumang fault “na ngayong lang lumilitaw sa ibabaw at yan ay kumikilos ng paunti unti kaya napakaraming earthquakes ang naitala sa Batangas.”


Read more...

Oplan Semana Santa handa na

oplan1

BATANGAS CITY-Nagsimula na ngayong araw na ito ang Oplan Semana Santa 2017 kung saan may mga public assistance centers na nakatalaga sa Batangas Port, Grand Terminal at iba pang strategic na lugar upang umalalay sa publiko partikular sa mga bihayero na inaasahang dadagsa ngayong Kwaresma.

Read more...

Awarding ng Project SMILES winners idinaos

smile1

BATANGAS CITY- Nanalo sa Search for the Most Innovative and Liveable Environmental School ang Talumpok National High School sa secondary level at ang Dao Elementary School sa elementary level hindi lamang sa kanilang programang pangkapaligiran kundi sa suporta ng kanilang pamilya at komunidad.

Read more...

State of Calamity ideneklara sa Batangas City

stateofcalamity1

Idineklara ng Sangguniang Panlungsod sa special session ngayong araw na ito ang Batangas City sa ilalim ng state of calamity bunga ng pinsala sa mga gusali at imprastrakturang tinamo nito sa lindol mula pa noong April 4 at April 8 sa rekomendasyon ni Mayor Beverley Rose Dimacuha sa pamamagitan ng kanyang Executive Order No. 9 s.2017.

Read more...

Tindahan ng religious items binuksan ng Council for the Elderly sa GAD building

religious1

Kasabay ng taunang Pabasa ng Pasyon ay binuksan na rin ng Batangas City Council for the Elderly ang kanilang tindahan ng religious items sa Elderly Center, GAD Building sa Plaza Mabini kung saan ang kikitain dito ay magsisilbing pondo para matulungan ang mga higit na nangangailangang senior citizens sa lungsod.

Read more...

Gagawing By-pass road magdudulot ng paglago ng ekonomiya

bypassroad1

Maaaring maging bagong growth area ng Batangas City ang mga lugar na dadaanan ng Star Tollway to Pinamucan Ibaba By-Pass Road Project.

Read more...

Partnership projects ni Cong. Marino at Mayor Dimacuha inilahad

partnership1

Ipinabatid ni Congressman Marvey Mariño na nakapag released na ang Land Bank ng mobilization fund na P30 million mula sa P1 billion loan ng pamahalaang lungsod para sa simula ng konstruksyon ng third bridge mula sa Sitio Ferry ng Barangay Kumintang Ibaba hanggang Gulod Labac na inaasahang matatapos sa Disyembre ng taong ito. “Dapat ng magawa ang tulay sa pinakamadaling panahon dahil matagal na itong hinihintay ng mga tao, at matugunan na rin nito ang problema sa pagsisikip sa daloy ng trapiko sa lungsod,” sabi ng Congressman.

Read more...