CDRRMC 2015 Projects

Tatlong infrastructure projects ang natapos noong 2015 ng Committee on Disaster Prevention and Mitigation ng City Disaster Risk Reduction and Management Council(CDRRMC).

Kabilang sa committee na ito ang City Engineer’s Office, City Planning and Development Office, City ENRO, at Office of the City Veterinary and Agricultural Services (OCVAS).

Ang mga proyektong ito ay ang construction ng drainage system sa Balete, seawall with pier sa Liponpon, Isla Verde, at drainage system malapit sa Batangas Post Office habang on-going naman ang phase 11 ng construction ng Evacuation Center sa Bolbok.

Ang iba pang on-going projects ay ang construction ng Cuta-Sta. Clara Riprap Flood Control na pinopondohan ng pamahalaang lungsod at ng Department of Public Works and Highways; construction ng drainage system sa Rizal Avenue-BSU area papuntang Sta. Clara at isa pang drainage system sa P. Burgos St.-Recto Road Calicanto na pawang mga DPWH-funded projects.

Kabilang naman sa mitigation measures na naisagawa ang cleaning, declogging at rehabilitation ng mga kanal at isa na rito ay ang paglilinis ng outfall mula Barangay 21-Cuta Itlugan at mula Cuta Maligaya-Tinapahan. Nagsagawa naman ng trimming ng mga punong- kahoy na nakahambala sa kalsada ang City ENRO at ang OCVAS.

Ang naturang mga proyekto ay naglalayong maiwasan ang pagbaha bilang bahagi ng pagpapalakas ng kakayahan at kahandaan ng lungsod sa mga kalamidad. (Angela J. Banuelos, PIO Batangas City).

008-1.jpg 008-2.jpg
Sa kanyang muling pagbabalik, ganap ng hepe ng Batangas City Police si Police Supt. Danilo Mendoza ng siya ay umupo noong gabi ng January 9, ilang oras bago ipatupad ang ban ng Commission on Elections sa transfer o movement ng mga officers at employees sa civil service tuwing election period.