Citation award ibinigay sa mga Bachelor in Education graduates ng CLB


Natutuwa si Mayor Eduardo Dimacuha at may mga trabaho na ang mga licensed teachers na graduates ng Colegio ng Lungsod ng Batangas.
Kaugnay nito, nagbigay siya ng citation award sa may 44 na Bachelor in Education graduates ng CLB na nakapasa sa Licensure Examiantion for Teachers(LET) noong September 27, 2015.

Ayon kay Dr. Fely Adarlo, Dean of Instruction ng CLB, 44 sa 55 na kumuha ng LET ang nakapasa o katumbas ng 74.55% ng kabuuan.
Para kay Stephanie Dela Cruz ng barangay Dumantay, masaya siya at sobrang proud na natupad na ang kanyang pangarap na maging isang licensed teacher.

Ipinagmamalaki niya na siya ngayon ay isang elementary teacher sa isang international school sa lungsod. Marami aniya siyang natutunan sa CLB na nagamit niya katulad ng pagkakaroon ng tiwala sa sarili kung kayat siya ay kaagad natanggap sa Stonyhurst. Hangad niya na makakuha ng Master’s Degree in Math at maging isang principal sa hinaharap.

Aniya, saludo siya kay Mayor Dimacuha sa pagkakatayo ng CLB sapagkat maraming mahihirap na kabataan ang natutulungan at gumaganda ang buhay.

Ayon naman kay Raquel Esguerra ng Calicanto, ang kanilang tagumpay ay bunga ng malaking suportang ipinagkakaloob ng pamahalaang lungsod sa mga graduates at board takers. Bukod sa free college education, nagbibigay din ng libreng review classes ang CLB na tinutustusan din ng city government.

Si Raquel ay nagtatrabaho ngayon bilang isang teacher-tutor sa Princeton Science School. Plano niya na magturo sa pampublikong paaralan.

002-1.jpg