City Market Administrator, kinumpirma ng SP

  1.jpg 2.jpg 3.jpg

Pormal nang kinumpirma ng Sangguniang Panglungsod ng Batangas si Dr. Loyola Bagui bilang Market Adminstrator, February 4, sa lingguhang sesyon nito.

Binigyang diin ni Dr. Bagui, dating hepe ng Office of the City Veterinary and Agricultural Services, na pagtutuunan niya ng pansin ang kalinisan sa pamilihan. Magsasagawa aniya ang kanilang mga empleyado at mga magtitinda ng regular clean up tuwing araw ng Myerkules.

Pagtutuunan din niya ng pansin ang peace and order at maintenance ng bagong bukas na Market III. Inaasahan niya na sa susunod na buwan ay mabubuksan na ang meat, fish at chicken section.

Sa pagsisimula ng kanyang tungkulin noong ika-4 ng Pebrero, hinati niya ang opisina sa limang dibisyon: administrative, collection, security, monitoring at maintenance.

Sa kasalukuyan ay mayroong 99 item employees at 46 job order employees dito.

Idinagdag pa niya na nagbuo sila ng Task Force sa pakikipagtulungan sa City Environment Office at Batangas City PNP sa pagpapatupad ng mga batas dito at sa pag-iisyu ng citation tickets sa mga violators.

“Ako po ay God-fearing at I lead by example, naniniwala ako na kung ang gagawin ko ay tama, maganda ang magiging resulta nito. ,” dagdag pa ni Bagui.

Lubos ang kanyang pasasalamat sa pagkakapili at sa tiwalang ipinagkaloob sa kanya ni Mayor Beverley Rose Dimacuha.