Batangas City Police magpapagalingan sa basketball sa una nilang paliga

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

BATANGAS CITY- Sa layuning maging physically fit at mapalawig ang magandang samahan ng mga kapulisan, inilunsad ng Batangas City Police Station ang 1st Chief of Police (COP) Inter-Color Basketball League, Feb.6, sa Barangay Kumintang Ibaba Covered Court.

Ang pagbubukas ng liga ay pinangunahan nila Acting Chief of Police, PLTCOL Julius Anonuevo at OIC Batangas City Council Scout Executive Guilbert0 Alea.

Ayon kay Anonuevo, layunin nito na mapalawig ang magandang samahan ng kapulisan, magkaroon ng friendly competition at madevelop ang kanilng galing sa larangan ng sports. “Minarapat kong gawin ang sports activity na ito para bawas stress din sa trabaho at ma promote ang healthy lifestyle,” dagdag pa niya.

Kalahok dito ang anim na division teams ng city police station at isang team ng Batangas Provincial Police (PPO).

Sa opening game, nanalo ang PPO sa city police sa score na 94-72.(PIO Batangas City)