Barangay road pinasinayaan

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 14.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

Pinangunahan ni Mayor Beverley Dimacuha at Barangay 24 Chairman Emma Tumambing ang blessing at ribbon- cutting ceremony ng 240 metrong haba ng kalsada mula Purok 3 hanggang Purok 4 ng nasabing barangay.

Lubos ang pasasalamat ni Pangulong Tumambing sa pamahalaang lungsod sa pagtugon sa kanilang kahilingan upang maisaayos ang nasabing kalsada na dahil sa sirang kondisyon ay marami aniyang mga bata at matatanda ang nadadapa at nasusugatan.

Ipinangako niya na sa tulong ng kanyang humigit kumulang na 5,000 nasasakupan, pangangalagaan nila ang proyektong kaloob ng pamahalaang lungsod.

Ipinahayag din ni Pangulo na nabago na ang imahe ng kanilang barangay sapagkat kung dati ay kilala ito bilang “lugar ng mga magnanakaw at pugad ng bentahan ng droga”, ito ngayon ay maayos at tahimik na.

Kinalinga din aniya ng kanilang barangay ang may 65 pamilya o 249 indibidwal na evacuees mula sa mga lugar na naapektuhan ng pagputok ng Bulkang Taal.

Pinuri naman ni Mayor Dimacuha ang pagmamalasakit na ipinapakita ni Pang. Tumambing sa mga taga barangay 24 at hinikayat ang mga ito na suportahan ang kanyang adbokasiyang Eto Batangueno Disiplinado – Magkatuwang Tayo.

Hiniling din ng dalawang opisyal na palakasin ang pamilyang Batangueno. (PIO Batangas City)