19 na e-trikes ipinamahagi sa mga tricycle drivers

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg

Ipinamahagi na ng pamahalaang lungsod ng Batangas sa mga tricycle drivers ang natitirang 19 na e-trikes sa kabuuabg 50 units na natanggap ng lungsod mula sa sa Dept. of Energy (DOE) bilang livelihood partnership project.

Ang pangatlong batch ng mga recipients na ito ay kwalipikado at nakatupad sa mga requirements ng DOE batay sa isinagawang pagsusuri ng Traffic Development and Regulatory Office (TDRO). Sila ay lumagda rin sa memorandum of agreement sa pamahalaang lungsod para sa proyketong ito.

Ang biyahe ng mga recipients na pawang mga miyembro ng Tricycle Operators Drivers Association (TODA) ay sa Soro-soro Mercedes Homes Subdivision at Balagtas.

Sa isinagawang orientation para sa lahat ng mga recipients, itinuro sa kanila ng technician ng B-Mac Electric Transportation Philippines Inc. ang special features ng e- trike, kung paano ito i operate, alagaan at i handle kung kailangan ng trouble shooting sa units. Pagkatapos ng orientation ay ang actual demonstration kung paano ito paadarin at gamitin.

Sa nasabing orientation ang city government muna ang mangangasiwa ng e –trikes kung saan may mga trained city government employees na tutulong sa repair sakaling magkaroon ng aberya ang unit. Ang mga charging stations ay nasa warehouse ng city government. Maglalagay din nito sa ilang accessible areas.