Banda ng city govt., champion sa national band competition

  1.jpg 2.jpg

Tinanghal na champion ang bandang binuo ng pamahalaang lungsod ng Batangas – ang EBD Blades Drum & Lyre Corps- sa National Music Championship, isang annual competition ng mga marching bands sa pagtataguyod ng Philippine Drum &Lyre Inc. Associates. Ito ay ginanap sa Strike Gym, Bacoor City, Cavite, December 15.

Bukod dito ay naging champion din ang grupo sa Open Class- Concert Percussion category at 1 st runner up sa Duo Open Guard category na ang mga miyembro nito na sina Jaira Viel Bunyi at Mark Villano. Nakatunggali ng EBD band ang may 15 banda mula sa iba’t ibang probinsya kagaya ng Aurora, Cavite, Metro Manila at iba pa. Ito ang unang pagkakataong sumali sila sa naturang kumpetisyon ang banda.

Ang EBD Blades ay may 45 na miyembro na binubuo ng mga estudyante mula grade 7 hanggang college mula sa iba’t ibang paaralan at barangay sa lungsod. Ito ay binuo noong termino ni dating Mayor Eduardo Dimacuha at ipinagpapatuloy ni Mayor Beverley Dimacuha.

Tinutustusan mula sa pondo ng pamahalaang lungsod ang mga pangangailangan ng banda kagaya ng instrumento, mga pagsasanay at ilan pang gastusin. Trainor ng banda si Christopher Ramos, isang mag- aaral sa University of Batangas.

Ang EBD Blades ay aktibo sa mga events ng pamahalaang lungsod.(PIO Batangas City)