Christmas kick off muling nagpaganda at nagpasaya sa Batangas City

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 14.jpg 15.jpg 16.jpg 17.jpg 18.jpg 19.jpg 2.jpg 20.jpg 21.jpg 22.jpg 23.jpg 24.jpg 25.jpg 26.jpg 27.jpg 28.jpg 29.jpg 3.jpg 30.jpg 31.jpg 32.jpg 33.jpg 34.jpg 35.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

Pinangunahan nina Mayor Beverley Dimacuha at Congressman Marvey Mariño ang Christmas kick-off activities at Christmas lights switch-on ceremony, November, 21, hudyat ng pagsisimula ng makulay at masayang kapaskuhan sa Batangas City.

Naging tampok dito ang pagbubukas ng ilaw ng 45 ft white Christmas tree, giant Christmas lantern, belen at iba pang Christmas decorations sa Plaza Mabini, City Hall, P. Burgos at Rizal Avenue Streets.
Inilawan na rin ang mga parol sa EBD Bridge of Progress , Batangas City Sports Coliseum at Lumang Palengke.

Kabilang din sa mga palamuti sa plaza ay ang sublian-inspired Christmas decoration na siyang pagkakakilanlan sa mga taga lungsod.

Ang dekorasyon ay gawa sa vinyl plastic na desenyo ni Jude Aldana, isang artist sa Pampanga.

Bago isagawa ang Christmas lights switch-on ay nagkaroon ng children’s parade na nilahukan ng may 300 day care children na nakasuot ng Disney characters’ costumes kaugnay ng tema ng Christmas celebration sa lungsod na “If Disneyland is the Happiest Place on Earth, Christmas is Happiest in Batangas City!”

Higit na nagpasaya sa mga bata ang gift giving nila Mayor Dimacuha at Congressman Mariño, kasama si Santa Claus.

Nagbigay kasiyahan din ang mascot show mula sa Mc Donalds at Jollibee. May mga palaro para sa mga bata na hatid ng iba’t ibang food chain sa lungsod at namahagi rin ng libreng hotdogs, cotton candies, palamig at iba pang pagkaing pambata.

Naging tampok din ang pagpili ng top 25 best in Christmas costumes.

Nagbigay aliw naman ang Dangal ng Lungsod Chorale sa kanilang mga awiting pamasko.

Dumalo rin sa okasyong ito ang mga city officials, department heads, food chain owners and managers at iba pang kinatawan mula sa mga business sector. PIO Batangas Cityi)