SK delegates mula sa Ilocos Sur nag lakbay aral sa Batangas

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg

BATANGAS CITY- Bumisita sa Batangas City ang deleasyon ng 19 na Sangguniang Kabataan officials mula sa Santiago, Ilocos May Sur bilang isang lakbay aal upang malaman nila ang mga programa at best practices dito na pwede nilang i adopt sa kanilang lugar, November 13.

Ayon kay SK Federation Secretary Veiya Agosto, napili nilang puntahan ang Batangas City dahilan sa kilala ang lungsod sa pagkakaroon ng maraming lugar na magandang puntahan. “Nag search kami sa internet at nakita namin ang Batangas City bilang isa sa mga lungsod na maraming awards at mahusay ang pamamalakad ng punung-lungsod.”

“Ang aming lakbay aral sa inyong lungsod ay isang magandang instrumento para matuto kami sa mga best practices na maari naming ipatupad sa aming bayan. Bukod sa mga lugar na napasyalan namin sa lungsod, nagkakapalitan din kami ng kaalaman in the field of good governance at government programs,” dagdag pa niya.

Nagsalita tungkol sa mga programa ng lungsod sina Erick Sanohan, hepe ng Local Economic Investment Promotion Office; Manolo Perlada, community affairs officer IV at Majo Manalo, SK Federation president. (PIO Batangas City)