Contests tungkol sa papel ng kabataan sa agrikultura nilahukan ng mga estudyante

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

BATANGAS CITY- Naging bahagi ng pagdiriwang ng Farmers Cooperators and Fisher Folks Week, sa pangunguna ng Office of the City Veterinary and Agricultural Services, ang Youth Day upang palawakin ang interes ng mga kabataan sa agrikultura. Ito ay sa pamamagitan ng pagsasagawa ng on the spot spoken poetry at Batangas City 4H Club Federation Logo Making Contest.

Mga high school students mula sa walong paaralan ang lumahok sa nasabing pantimpalak sa temang “Kabataan para sa Agrikultura para sa Makabagong Panahon”.

Ang mga nanalo sa logo making contest ay ang sumusunod: 1st place -Roderick Ardales ng Talumpok Integrated School, na ang naipanalong entry ang magsisilbing official logo ng City 4H Club Federation na samahan ng mga kabataan, 2nd place- Christian Jayson Cantre ng Mahabang Dahilig Senior High School at 3rd place si Bayani O. Abino Jr. ng Gulod SHS.

Sa on-the spot spoken poetry, 1st place si Charisse Aranda ng Tabangao JHS, 2nd place si Mark Kiel Tordecilla ng Talumpok IS at 3rd si Vhanea Euredyle Eje ng Mahabang Dahilig SHS. (PIO Batangas City)