Kabuhayan at kaunlaran isinusulong ng isang samahan ng mga kababaihan

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

Isa sa mga samahan ng mga kababihan sa Batangas City na nagtatagumpay sa pagsusulong ng kabuhayan, kaalaman at pagiging produktibong miyembro ng komunidad ay ang Rural Improvement Club (RIC).

Ang RIC ay binubuo at pinangangasiwaan ng Home Extension Division ng Office of the City Veterinary and Agricultural Services (OCVAS) kung saan ang mga miyembro ay tinuturuan ng mga livelihood skills partikular ang mga home-based training na makakatulong upang makapagsimula sila ng isang maliit na negosyo.

Bilang pagbibigay pugay sa kanilang mga accomplishments . itinalaga ng OCVAS ang Nov. 8 bilang RIC Achievement Day kasabay ng graduation ceremony ng mga miyembro na nagtapos sa iba’t ibang skills training.

May 39 na participants ang nagtapos sa dressmaking na ginanap mula January hanggang October sa ilalim ng pagtuturo ni Norma Arcoires ng Pin & Stitch.

Limampong RIC members ng San Antonio, Isla Verde, 38 mula sa San Agapito at 36 naman mula sa barangay Sto Nino ang sumailalim sa pagsasanay sa cooking, meat processing, candle making, rag making, dishwashing perfume at soap making mula Marso hanggang buwan ng Mayo.

Ayon sa guest speaker na si Coun. Aileen Montalbo, susuportahan niya ang mga graduates na nagnanais ibenta ang kanilang mga produkto on line.

Nagkaroon din ng awarding sa mga nagwagi sa ham cooking contest kung saan first place winner ang RIC members ng Calicanto, 2nd ang RIC San Pedro at 3rd ang RIC Gulod Labac.