Outstanding corn farmer at CAFC ng Batangas City pinarangalan ng provinc. gov’t.

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg


Tumanggap ng parangal mula sa Batangas Provincial Government ang isanng natatanging magssasaka at City Agriculture and Fisheries Council (CAFC) ng Batangas City sa isinagawang Agro-Induxtrial Summit, Oct. 28, sa DREAM Zone ng Capitollo.

Ang mga awardees ay si Ciriaco de Ocampo na nahirang na Outstanding Corn Farmer at ang Oustanding CAFCI na pinamumunuan ni Moises Dalisay bilang chairperson.

Ayon kay de Ocampo ng barangay Banaba South, may 20 taon na siyang nagsasaka. Ang pagtatanim ang kinahihiligan niya kung saan mula ditto ay nakapagpatapos siya ng kanyang mga anak at nakapagpumdar ng ilang ari arian. Kahit noong siya ay naging overseas Filipino worker (OFW), binalikan pa rin niya ang pagsasaka. Sa kasalukuyan ay walong ektarya ng lupa na kanyang nirerentahan ang tinataniman niya ng mais. Malaki aniya ang tulong ng pamahalaang lungsod sa pagpapalago ng corn farming partikular ang suporta sa mga magsasaka. Isa sa kinakaharap na problema nila sa kasalukuyan ay ang pagbagsak ng presyo ng mais.

Sinabi naman ni Moises Dalisay, chairperson ng CAFC, malaking bagay na sama samang napapagusapan ang mga problema sa pagsasaka ng kanilang mga miyembro hanggang ang mga ito ay masolusyunan.

Layunin ng naturang summit na kilalanin ang mahalagang kontribusyon ng mga magsasaka sa pagpapalago ng agrikultura sa probinsiya.