Emergency Operations Center Training course idinaos

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg

BATANGAS CITY- Nagsagawa ang Office of Civil Defence (OCD) Region 4-A ng tatlong araw na Emergency Operations Center Training Course na ginanap sa Audio Visual Room ng Colegio ng Lungsod ng Batangas (CLB) noong October 23-25.

Dinaluhan ito ng mga miyembro ng City Disaster Risk Reduction Management Council partikular ng mga nasa response committee, kinatawan ng ibat-ibang ahensiya ng gobyerno at miyembro ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRMMC). Layunin ng nasabing training na palawakin at palakasin ang Emergency Operations Center (EOC) at iba pang bagay tungkol sa paghahanda sa anumang kalamidad.
Ipinaliwanag din ang magiging papel ng EOC alinsunod sa Incident Management Training (IMT), Incident Command System (ICS) at ang effective Disaster Responder sakaling may sakuna gaya ng lindol, bagyo, tsunami at iba pang kalamidad. Dito inihahanda ang mga plano gagawin upang mas lalo mapabilis ang pag responde sa mga nangangailangan.

Kabilang sa pinagaralan ng mga participants ay ang EOC Operationalization and Management, Organization and Staffing, Facility Design and Requirements, Communication Needs, Information Management, Planning Process at Readiness. (PIO Batangas City)