Batangas City ginawaran ng competitiveness awards ng DTI

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg

Iprinisinta ni City Administrator Narciso Macarandang Kay Mayor Beverley Dimacuha at Congressman Marvey Marino sa Monday flag-raising ceremony ng mga kawani ng pamahalaang lungsod ang mga awards na tinanggap ng Batangas City sa 2019 Department of Trade and Industry (DTI) Regional Competitiveness Summit na idinaos sa Philippine International Convention Center noong October 24.

May 108 component cities sa buong bansa ang lumahok. Tanging ang Batangas City lamang sa tatlong component cities ng Batangas Province ang tumanggap ng awards kagaya ng mga sumusunod:

-Rank 3- in Economic Dynamism
-Rank 6- in Resilience
-Rank 9- Over All- Competitiveness Ranking
-Rank 10- in Infrastructure
-Rank 12- in Government Efficiency

Ipinaabot ni Dimacuha ang kanyang pasasalamat sa mga kawani ng pamahalaang Lungsod at hinikayat ang mga ito na pagbutihin pang lalo ang serbisyo publiko. “May award man o wala, tungkulin nating mga lingkod bayan na lalo pang itaas ang antas ng serbisyo sa mga mamamayan.”

Sinabi naman ni Cong. Marino na prayoridad niya ang completion ng kanyang major infrastructure projects sa lungsod kagaya ng STAR Tollway-Pinamucan bypass road, City Library at ang konstruksyon ng flyover sa Balagtas junction.