Skilled workers, sales rep in demand sa PESO job fair

  1.jpg 10.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg


BATANGAS CITY-Mga skilled workers para sa overseas employment at sales representatives para sa local hiring ang ilan sa mga in demand jobs sa Trabahong Handog ni Mayor Beverley Rose Dimacuha job fair ng Public Employment Service Office (PESO) na ginanap noong Oct. 19 sa Batangas City Convention Center.

May 320 aplikante ang lumahok dito kung saan 42 ang hired on the spot, 168 ang qualified habang ang iba naman ay naka scheduled na kumuha ng eksaminasyon at sumailalim sa interview.

Ayon kay PESO chief Noel Silang, tuwing nagsasagawa sila ng job fair ay umaabot sa 8,000 job vacancies ang nakalaan ng Department of Labor and Employment (DOLE) kaya hindi dapat mangamba ang mga aplikante na hindi sila makakahanap ng trabaho. Kabilang sa iba pang mga kailangang posisyon ay IT product specialists, call center agents, office support staff, clerks , receptionists, telephone operators at iba pa.

Siyam na overseas manpower agencies na rehistrado sa POEA at 33 lokal na ahensiya at mga kompanya ang lumahok sa job fair. Ang mga ahensiyang nagre recruit para sa overseas employment ay nagangailangan ng skilled workers na itatalaga sa mga bansa kagaya ng Kuwait, Oman at Malaysia. Ang ilang local companies ay naghahanap ng mga manggagawa para sa hotel at resort sa Batangas.

Bukod sa job fair, mayroong ding Job Search Kiosk na bigay ng DOLE ang PESO, na isang automated machine na nagbibigay ng impormasyon tungkol sa mga local at overseas jobs na pwedeng aplayan. Malalaman sa kiosk kung ano ang mga skills na kailangan o mga trabahong angkop sa inyong kaalaman at kwalipikasyon.