Batangas City ginawaran ng child-friendly seal

  1.jpg 2.jpg

Muling ginawaran ang Batangas City ng Seal of Child- Friendly Local Governance (SCFLG) ng Department of Interior and Local Government (DILG) at Department of Social Welfare and Development (DSWD), October 2, sa Antipolo City bilang pagkilala sa mga programang ipinapatupad ng ilang mga ahensya ng pamahalaang lungsosd para sa kapakakanan at pangangalaga ng karapatan ng mga bata.

Ayon kay CSWD Officer at Vice Chairman ng City Council for the Welfare of Children (CCWC), Mila Española, ang naturang parangal ay ipinagkaloob base sa isinagawang assessment at evaluation ng DSWD Regional Office kung saan nakasunod ang lungsod sa mga indicators o criteria na itinakda para sa SCFLG.

Binigyang puntos ng mga evaluators ay ang mga programa at serbisyo sa health, education, social services at iba pang karapatan ng mga bata.

Ilan sa mga programang pangkalusugan ay ang comprehensive maternal and child health care, nutrition, national immunization, integrated management of childhood illnesses, dental health care at adolescent health and development program. Tinutugunan din ang early childhood care and development at edukasyon ng mga bata sa pamamagitan ng 107 day care centers at 100 day care workers. May mga programa rin sa child labor, street children,children most at risk at children in conflict with the law.

“Sa susunod na taon (2020), madaragdagan ang assessment tool na gagamitin kung saan bibigyang pansin ang infrastructure, environment, cultural, socio economic, psycho social aspects at iba pang developmental programs for children, sabi ni Espanola.

Bibigyang puntos din aniya ang programa ng city government sa pagmomonitor ng Juvenile Welfare Act kung saan dapat mababa ang bilang ng mga batang nagkasala at mga batang naabuso.

Sa lungsod aniya ay mababa ang bilang ng mga ganitong kaso. “Mayroon man tayong mga ganitong kabataan, alam natin kung paano i-address ang mga isyu at problema, may mga preventive measures tayo, at sasailalim sa rehabilitasyon ang mga batang magkakasala," dagdag pa ni Española.

Patuloy ang rescue operation sa mga rugby boys sa pakikipagtulungan ng kapulisan at sumasailalim sila sa counseling at iba pang programa habang ang iba ay inilagay sa institusyon, naibalik sa kanilang pamilya at napauwi sa kani-kanilang probinsya. Prayoridad din ng City Peace and Order Council ang pagtulong sa rehabiitasyon ng mga street children at rugby boys.