Tanghalang Pangmamimili skit contest isinagawa ng DTI

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg

Sa pagdiriwang ng Consumer Welfare Month ngayong Oktubre, nagsagawa sa ikalabing walong taong pagkakataon ang Department of Trade and Industry (DTI) - Batangas ng Tanghalang Pangmamimili, isang skit contest na may temang ‘Sustainable Consumption: Understanding the Impact of Consumer’ s Choices in a Shared Environment ” kung saan lumahok ang anim na public at private high schools sa lalawigan.

Ito ay ginanap noong ika-3 ng Oktubre sa Batangas Provincial Auditorium.

Tinanghal na kampeon ang mga mag-aaral ng Lyceum of the Philippnes - University. Nagkamit sila ng P 10,000 at trophy. Sila din ang nakakuha ng Best Script at Best Director na pinagwagian ni Perry Santiago. Sila ang magiging kinatawan ng Batangas sa Regional Championship na gaganapin sa Nobyembre.

Ilan sa mga binigyang diin ng grupo ang pagiging quality at price conscious. Nagpakita din sila ng mga paraan ng pangangalaga sa kalikasan at kapaligiran sa pamamagitan ng paggamit ng de kalidad na mga produkto at tamang paraan ng pangangasiwa ng basura

Ayon kay Sally Pagtakhan, division chief ng Consumer Protection Division ng DTI sa Batangas, layunin ng naturang patimpalak na ipromote ang consumer advocacy . Binigyang diin niya na sa pamamagitan ng naturang gawain, nakamit nila ang kanilang layunin na maipabatid sa publiko ang kanilang consumer rights at ang kahalagahan ng pagiging vigilant.
Nanalo ng ikalawang gantimpala ang Batangas Province High School for Culture and the Arts (BPHSCA) na nakapag-uwi ng P 7,000 at trophy. Mula sa naturang paaralan ang napiling Best Male Performer na si Joaquin Pimentel at Best Female Performer na si Shirley May Ong.

Nagkamit naman ng P 5,000 at trophy ang Lodlod National Highschool na nakuha ng ikatlong pwesto at sya ring nagwagi ng Best Cheer.