Batangas City Grand Stadium itatayo

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 14.jpg 15.jpg 16.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

Isang state of the art sports facility ang itatayo sa Batangas City Sports Complex na magsisilbing venue ng mga malalaking althletic events at national competitions.

Kaninang umaga, October 3, isinagawa ang groundbreaking ceremony ng proyektong ito- ang Batangas City Grand Stadium, sa pangunguna nina Mayor Beverley Rose Dimacuha at Congressman Marvey Mariño kaalinsabay ng pagdiriwang ng magkasabay nilang kaarawan., Kasama nila sa seremonya sina Vice Mayor June Berberabe,at mga city councilors.

Pinangunahan din nila ang unveiling ng tarpaulin ng proposed design ng nabanggit na mga pasilidad gayundin ang time capsule laying. Kasunod nito ang ceremonial demolition ng dating Grand Stand kung saan itatayo ang proyekto.

Ayon sa mensahe ni Mayor Dimacuha, hangad nila na mabigyan ang mga atleta ng magandang pasilidad na magsisilbing training ground nila sa paglahok sa mga national at international competitions. “Dala ito ng masidhing kagustuhan na makapagpatayo ng isang pasilidad na mamahalin at ipagmamalaki ng mga Batangueno,” sabi niya.

Binanggit naman ni Cong. Mariño ang mga road projects na isinasagawa upang maibsan ang trapiko at ang pagtatayo ng malalaking industriya sa lungsod dahilan sa mga ginagawa ng pamahalaang lungsod upang maging business-friendly ang Batangas City.

Ang stadium ay may four-storey grandstand at eight-lane track ang field oval. Ang grandstand naman ay may floor area na 7,590 square meters at may 8,000 seating capacity.

Sa ikalawang palapag nito matatagpuan ang media conference room, exhibit area, multi-function hall at indoor training ground para sa mga manlalaro. Sa third floor naman itatayo ang commentators/announcers booth. May sleeping quarters sa third at fourth floor para sa players at viewing area para sa mga VIPs.

Ang 24,900 square meter- track oval ay may jumping at throwing areas para sa athletics at maaari ding gamiting football field.

Kasama sa 2.49 hectare- open space ang road networks, parking spaces, security house, first aid clinic, public toilets at iba pa.

Ang nasabing okasyon ay dinaluhan ng mga department heads, barangay officials, Kalipunan ng Liping Pilipina (KALIPI) members, ilang mga kawani ng pamahalaang lungsod at iba pang grupo na nagpahayag ng pagbati kina Mayor Dimacuha at Cong. Mariño sa kanilang kaarawan.