CLB ipinagdiriwang ang 14th founding anniversary

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 14.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

Ipinagdiriwang ng Colegio ng Lungsod ng Batangas (CLB) ang kanilang ika – 14 na founding anniversary ngayong October 5 sa temang “One CLB Theme @ 14” kung saan magsasaya ang school personnel at estudyante sa iba’t ibang gawain mula Oct 1-5 sa CLB grounds.

Ang event ay sinimulan sa pamamgitan ng isang Banal na Misa kasunod ang opening program na sinimulan ng production number ng mga guro at kawani bilang handog nila sa mga estudyante ng CLB.

Naging panauhing pandangal si Secretary to the Mayor, Atty. Victor Reginald Dimacuha kung saan sinariwa niya ang naging katuparan ng pangarap ni dating Mayor Eduardo Dimacuha na magkaroon ang lungsod ng isang kolehiyo na magbibigay ng libreng terriary education sa mga kapospalad subalit karapatdapat na mga estudyante upng magkaroon sila ng magandang kinabukasan.

Ang pagdiriwang ay nagsisilbing “festival of talents” ng mga estudyante sa mga kumpetisyon kagaya ng Battle of the Bands, The Voice Choice, poster making contest, photography contest, modern dance, Palarong Pinoy at sports festival.

Tampok din ang paghirang sa Mr. & Ms. CLB at ang Gala and Recognition Night ng mga guro at school personnel.

Mayroon ding mga booths ng pagkain, dedication booth, videoke, ukay ukay at iba pa. (PIO Batangas City)