Night market sa lumang palengke simula na

  1.jpg 2.jpg 3.jpg

BATANGAS CITY- Nagsimula na ngayong araw na ito, September 24, ang night market sa V. Luna St. sa lumang palengke mula 3:00 ng hapon hanggang 10:00 ng gab.

ilan sa magtitinda dito ay kabilang sa 70 sidewalk vendors na nawalan ng hanapbuhay dahilan sa road clearing operation na isinasagawa ngayon sa direktiba ng Dept. of Interior and Local Government upang maibsan ang pagsisikip ng trapiko.

Kabilang sa direktibang ito ang pagtulong sa mga displaced o apektadong vendors na magkaroon ng hanapbuhay.

Para sa city government, isa itong paraan upang makapagtinda muli ang mga vendors na ito lalo na at nalalapit na ang kapaskuhan.

Isa sa mga ito ay si Ka Benjie Garejo na taong 2001 pa nagtitinda ng ng mga streetfood tulad ng isaw, barbecue, at iba pa. Sa pamamagitan aniya ng kanyang pagtitinda ay naitaguyod niya at napagtapos sa pag-aaral ang kanyang mga anak.

Lubos ang kanilang pasasalamat sa pamahalaang lungsod na nabigyan sila ng maayos na pwesto at hindi na aniya sila magpapalipat lipat pa.

Mabibili sa night market ang pagkain, damit at iba pa.