4th Marbev Cup Inter-TODA Basketball League 2019 binuksan na

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 14.jpg 15.jpg 16.jpg 17.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

Magpapagalingan muli ang mga tricycle drivers sa Batangas City sa 4th MarBev Cup Inter-TODA Basketball League 2019 na ang opening ceremony ay ginanap noong September 7 sa Batangas City Sports Coliseum sa pangunguna nila Cong. Marvey Mariño at Mayor Beverley Dimacuha.

May 24 na teams mula sa iba’t ibang samahan ng Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) ang kalahok dito. Ang laro ay isasagawa sa mga araw ng Martes, Huwebes, Sabado at Linggo, sa Sports Coliseum at sa mga basketball court sa iba’t ibang barangay.

Napiling Muse ng liga si Rona Kristel Escabel mula sa Diversion Bolbok TODA.

Anim na teams ang naglaro sa opening games kung saan nanalo ang TODA ng Malitam laban sa Batangas Port; Cuta West laban sa LIMA; Wawa LIMA vs. Sampaga; Ferry vs. Toms; De Joya vs. Bilibid at CMTA laban sa Shell.

Ang Inter-TODA Basketball League ay isa sa mga proyekto sa ilalim ng sports development program nila Mayor Dimacuha at Cong. Mariño na sinimulan noong 2016 sa pangangasiwa ng City Sports Development Council.

Layunin nito hindi lamang maiangat ang kakayahan ng mga TODA sa sports kundi magkaroon ng isang buong samahang nagkakaisa ang mga tricycle drivers at operators.