50 piggeries binigyan ng certificate of non-coverage sa pagkuha ng ECC

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

Ipinamahagi nina Mayor Beverley Dimacuha at City Environment and Natural Resources Officer Oliver Gonzales, September 2, ang Certificate of Non Coverage (CNC) sa may mahigit 50 piggery farm owners sa anim na barangay sa lungsod.

Kabilang dito ang mga barangay Bilogo, Tulo, Banaba West, Soro-soro Ibaba, Soro-soro Ilaya, at Tinga Labac.

Ang CNC ay ang certificate na iniisyu ng Department of Natural Resources (DENR) sa mga livestock raisers na may alagang hindi hihigit sa 100 baboy o manok.

Ito rin ay patunay na ang isang babuyan o manukan ay hindi covered ng Philippine Environmental Impact Assessment System kung kaya’t hindi required kumuha ng Environmental Compliance Certificate o ECC bago umpisahan ang operasyon ng babuyan o manukan.

Muling ipinaalala naman nina Mayor Dimacuha na sundin ang batas sa tamang waste disposal at pangalagaan ang kapaligiran.

Ang mga piggeries ay ni rerequire ng City Enro na magkakroon ng septic tank para sa kanilang waste disposal kung saan ang size ay depende sa dami ng alagang baboy .