UB student, 2019 Outstanding Kab Scout

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

Tinanghal na That’s My Boy 2019- Outstanding Kab Scout ang walong taong gulang at grade three student ng University of Batangas na si Carl Ervin Macatangay noong ika-24 ng Agosto sa Batangas City Sports Center.

Layunin ng nabanggit na kompetisyon ng Boy Scout of the Philippines Batangas City Council na mahubog ang personalidad ng mga batang scout at madevelop ang kanilang angking galing at tiwala sa sarili.

Si Macatangay ang magiging kinatawan ng Batangas City sa Southern Tagalog Search ng Outstanding Kab Scout na gaganapin sa Lucena City sa September 6. Siya rin ang nanalong Best in Talent at Best in Casual Wear.

Napiling 1st runner up ang kinatawan ng Golden Gate College na si Matthew Juliann Graganta, 2nd runner up si Zabiel Reyn Cruzat ng Sta Rita Elementary School, 3rd runner up si Shem Martien Nieva ng Batangas City East Elementary School at 4th runner ang kinatawan ng Batangas City South Elementary School na si Joseph Andrei Espino.

Ilan pa sa mga special awards ay ang Kab Photogenic na nakuha ni Ruel Resurrecion Jr. at Best in Kab Scout Uniform naman si Zabiel Reyn Cruzat.

May 22 mag-aaral sa una hanggang ikatlong baitang mula sa ibat-ibang public at private schools sa lungsod ang naglaban laban sa search na ito.

Sa kanyang mensahe, binigyang diin ni OIC Council Scout Executive Guilbert Alea ang kahalagahan ng scouting sapagkat nagsisilbi itong training ground upang mahubog ng tama ang isang bata at maging isang responsable at disiplinadong mamamayan at lider ng bansa.

Si Alea ay ginawaran ng plaque of recognition bilang Outstanding Scout Execuitive ng BFP Regional Office sa 118th Year of Fire Service at 28th BFP anniversary celebration na may temang , “Journey Towards Transparent and Effective Public Service”. Ito ay ginanap sa Biñan People’s Center, Brgy. Zapote, Biñan City, Laguna noong August 20. Ang Batangas City lamang ang tanging council na nabigyan ng naturang award.

Ang That’s My Boy! 2019 ay sa ilalim ng pangangasiwa ng Boy Scouts of the Philippines – Batangas City Counci sa pakikipagtulungan ng City Schools Division.. (Ronna Endaya Contreras)