Batangas City tumanggap ng ilang awards sa 2019 Regional Gawad Kalasag

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg

Tumanggap ng ilang awards ang Batangas City sa 2019 Regional Gawad Kalasag ng National Disaster Risk Reduction and Management- Office of Civil Defense sa mga natatanging kontribusyon nito sa pagpapalakas ng resilience at sustainability.

Nahirang ang lungsod bilang Regional Finalist-Best City Disaster Risk Reduction and Management Council-Component City category. Ang nasabing award ay tinanggap ng hepe ng CDRRMO na si Rod dela Roca
Tinanghal na Best Early Learning Center Regional Winner ang Soro Soro Ibaba Child Development Center at Regional Finalist ang San Jose Sico Child Development Center (CDC).

Ang award para sa kanila ay tinaggap ni City Social Welfare and Development Officer Mila Española, Barangay Chairman Nelson Geron at ilan pang miyembro ng delegasyon ng lungsod.

Napili ang mga nabanggit na CDCs dahil sa mahusay na pagpapatupad ng mga programa at proyekto sa disaster risk reduction and management kung saan nakapaloob dito ang pagtuturo nila sa mga bata ng paghahanda sa kalamidad kagaya ng earthquake at fire drill at iba pang pagsasanay sa tulong at suporta ng pamahalaang lungsod.

Tinanghal na Best Higher Education Institution ang Batangas State University at ang Batangas City Bureau of Fire Protection (BFP) bilang runner up sa Government Emergency Response Management category.

Nakuha naman ng Batangas Medical Center ang Best Hospital award.

Ang Gawad Kalasag ay ang mekanismo o pamamaraan ng pamahalaan para magkaroon ng tuloy tuloy na suporta sa paghahanda sa kalamidad sa pamamagitan ng pagkilala sa mga natatanging kontribusyon ng ng mga DRRM practitioners sa pagpapalakas ng resilience at adaptive capacities ng bansa at mga komunidad at pagpo promote ng spirit of volunteerism.(PIO Batangas City)