National Youth Day ipinagdiwang sa pangunguna ng SK

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 14.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

Ipinagdiwang ng mga kabataan sa lungsod ng Batangas ang National Youth Day, August 13 sa pamamagitan ng simpleng programa, mga palaro at talent competition na idinaos sa Batangas City Sports Coliseum. Ito ay pinamahalaan ng Sangguniang Kabataan (SK) Federation sa Batangas City sa pangunguna ng pangulo nito na si Marjorie Manalo at mga kasamang opisyal sa pakikipagtulugan ng City Council for Youth Affairs.

Naging resource speaker para sa tema ng pagdiriwang na Transforming Education si Christian Gerald Macaraig, Youth Ambassador mula sa National Youth Commission (NYC) na dating SK chairman ng barangay Ambulong, Batangas City.

Ibinahagi niya ang kanyang mga karanasan bilang SK chairman ganoon din ang kanyang pagsisisikap na ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral hanggang makatapos ng kanyang master’s degree na siya aniyang naging susi para makamit ang kanyang posisyon ngayon sa NYC at makarating sa ibang bansa. Hinikayat niya ang mga kabataan na maging masigasig rin sa pag-aaral at kung may pagkakataon ay mag-enrol sa mga post graduate studies.

Ang selebrasyon ay higit na pinasaya ng mga palarong Pinoy kagaya ng sabong, sambutan ng itlog, relays at iba pa.

Ipinakita naman ng mga kabataan ang kanilang iba’t ibang talento at kakayahan sa SK Got Talent Season 2 kung saan naging champion si Roldan Guda Jr., mula sa barangay Mahabang Parang , 1st place si Alyssa Milan Mendoza ng Pallocan East, at 2nd si Keith Macatangay ng Sta, Rita Karsada sa singing competition. (PIO Batangas City)