Kabataang Koreano nag volunteer work at cultural interaction sa brgy. Sta. Clara

1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg

Nasa Batangas City ngayon ang 11 kabataan ng Gyeonggi-do, South Korea at nagsasagawa ng volunteer work sa isang barangay bilang bahagi ng 17th Gyeonggi-do Province Volunteer Program.

Dumating sila ng bansa noong July 31 at tatagal hanggang August 8.

Napili nilang puntahan ang Sta. Clara upang magbahagi ng kanilang kaalaman at kasanayan sa mga out-of- school youth (OSY) ng barangay.

Tinuruan nila ang mga kabataan ng soap making at nagkaloob ng bagong screen door at screen windows sa Child Development Center sa naturang barangay.

Nagpakita din sila ng husay sa taekwondo, nagpatikim ng kanilang pagkain at nagturo ng paggawa ng wish bracelet bilang bahagi ng kanilang cultural exchange.

Pormal silang iwewelcome sa Batangas City sa Lunes pagkatapos ng flag ceremony ng mga city government employees.