Day care student’s nagpatalbugan sa nutrition contests

1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 14.jpg 15.jpg 16.jpg 17.jpg 18.jpg 19.jpg 2.jpg 20.jpg 21.jpg 22.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

BATANGAS CITY- Iba’t ibang contests na ang tema ay “Kumain ng Wasto at maging Aktibo, PUSH Natin to!” kaugnay ng Nutrition Month celebration ngayong July ang isinagawa ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) kung saan ito ay nilahukan ng mga child development center (CDC) students sa Batangas City Convention Center, July 31.

Ayon sa CSWDO, mahalagang maturuan ang mga bata sa tamang nutrisyon sa pamamagitan ng tamang pagkain upang sila ay maging malusog at malakas.

Ang mga contests ay singing, poem, subli dancing, and gymnastics, at draw and tell. Pumili rin ng mga malusog na bata na may magandang ngipin, makinis na kutis, maganda at mahabang buhok, at pinakamatangkad na bata.

Ang mga nanalo ng first place ay sina : Elliana Therese Herrera ng Brgy. 20 CDC, poem; Jewnicks Kenshien Atienza ng EBD-CDC, singing; Prince JM Palapag ng Maalbo CDC, draw and tell; Bolbok CDC, subli dancing; at San Jose Sico CDC, gymnastics.

Napiling malusog na bata na may magandang ngipin sina Princess Angel De Jesus at Raim Marien Abaya; batang may makinis na kutis sina John Joachin Perez at Dean Arys Riley Bagui, batang may maganda at mahabang buhok si Michelle Zaraspe at pinakamatangkad na batang ECCD si Lance Gabriel Alea ng EBD-CDC.