Gun permit application caravan isinagawa sa Batangas City

BATANGAS CITY- Nagsagawa ang Batangas City Police ng License to Own and Possess Firearms (LTOPF) Caravan sa Teachers Conference Center, July 24 hanggang July 25, sa pakikipagtulungan ni Mayor Beverley Rose Dimacuha upang hindi na kailangang pumunta pa sa Camp Crame sa pagkuha o renewal ng gun permit.

Ayon kay LTCOL Sancho Celedio, hepe ng Batangas City Police, malaking tulong ito sa mga taga lungsod lalo na sa mga senior citizens na expired na ang permit, mag papatransfer ng ownership o bibili ng baril.

Ang mga aplikante ay kailangang dumaan sa neuro- psychiatric exam at interview, drug test at gun safety seminar bukod sa iba pang requirements tulad ng birth certificate, police clearance, NBI clearance at ID.

May 150 aplikante lamang bawat araw ang pwedeng i proseso ang gun permit application upang maging maayos ito at maging komportable ang mga aplikante.

Nanawagan naman si PMSG Ding Calalo ng Firearms Desk PNCO sa mga gun holders na isuko na lamang nila ang kanilang mga baril kung wala ng interes pang I renew ang mga ito upang mapawi na ang kanilang pangalan sa FED Data Base Record of Firearms Holders nang wala na silang alalahanin pa. Pwede rin nilang isuko pansamantala ang kanilang baril sa police station habang pinoproseso ang kanilang dokumento.

 

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 14.jpg 15.jpg 16.jpg 17.jpg 18.jpg 19.jpg 2.jpg 20.jpg 21.jpg 22.jpg 23.jpg 24.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg