Batangas City nagdiriwang ng 50th founding anniversary.

Ipinagdiwang ng Batangas City ang ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag nito bilang isa sa mga fast-industrializing at top competitive cities sa bansa sa kasalukuyan.

Ideneklarang lungsod ang Batangas noong July 23, 1969 sa bisa ng Republic Act No. 5495 o An Act Creating Batangas City. Nasa likod ng deklarasyong I to ang mga opisyal noon na nagsulong upang makamtan ang aspirasyon na ito sa liderato ni Mayor Pedro Tolentino, Vice Mayor Rustico Borbon at mga miyembro ng Sangguniang Bayan noong 1969 na sina Konsehal Sergio Atienza, Zoila Mendoza, Edilberto Chavez, Liberato de Jesus, Pedrito Faytaren Sr., Romeo Hughes at Victorino Tolentino.

Isa na ring 5th congressional legislative district ng Batangas Province ang Batangas City sa bisa ng Republic Act No, 10673 na pinirmahan ni dating Pangulong Benigno Simeon Aquino 111 noong August 19, 2015. Ang unang district representative ay si Congressman Marvey Mariño na sa kasalukuyan ay nagsisilbi sa kanyang ikalawang termino. Siya ang itinuturing na partner ni Mayor Beverley Dimacuha sa pagsusulong ng ibayong kaunlaran ng lungsod.

Tinaguriang Industrial Port of Calabarzon, ang Batangas City na may populasyong 339,551 ay nasa gitna ng mabilis na industriyalisasyon kasabay ng paglago ng modernong international sea port na nagsisilbing alternate port ng Manila. Ang lungsod ay major port para sa inter-island shipping at siyang main exit point para sa mga biyahero sa Mindoro island, Vizayas at Mindanao gamit ang roll-on roll-off system.

Noong April 29, 2019 , pinasinayaan ng Asian Teminals, Inc. (ATI) ang pinalawak na Batangas container terminal na magbubukas ng alternatibong gateway para sa mabilis na lumalaking trade ng bansa sa ibang bansa sa rehiyon at magpapaluwag sa port congestion sa Manila.

Ayon kay Finance Secretary Carlos Domingues 111, isang bagong passenger terminal ang nakatakdang matapos sa 2021, na gagawin ang Batangas port bilang ikalawang “major hub for maritime transport and commerce in Luzon” at magpapanatili sa status ng Calabarzon kung saan naririto ang Batangas bilang isa sa mga pinaka progresibong rehiyon sa bansa.

Isa naman sa mga malalaking industriya na inaasahang magpapalago ng ekonomiya ng lungsod ay ang construction ng US$1.0 billion-liquefied natural gas (LNG) terminal project ng First Gen Corporation kung saan ito ay nagkaroon ng ground breaking ngayong 2019.

Ang targeted market ng First Gen sa gagawing LNG import terminal ay ang existing gas-fired plants nito sa Batangas City-ang 1,000-megawatt Santa Rita, 500MW San Lorenzo , 414MW San Gabriel at 97MW Avion plants.

May plano ring mag develop ang tatlong Chinese companies ng 102-hectare property sa lungsod upang gawin itong isang energy complex na nagkakahalaga ng P155 billion kung saan ito ay gagawin sa tatlong phases: una ang construction ng naphtha refinery, pangalawa ang energy port for oil, natural gas at liquefied natural gas at ang pangatlo ay ang 1,560-MW power plant upang ma energize and complex at ma supplement and national grid. Pinirmahan ang memorandum of understanding para sa proyektong ito ng bumisita si President Duterte sa Beijing kamakailan. Angela J. Banuelos PIO Batangas City

 

  1.jpg