- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Lenten 2022
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Best Float napanalunan ng Citimart
- Details
- Wednesday, 24 July 2019 - 11:37:00 AM
Tinanghal na Best Float ang entry ng Citimart Group of Companies sa taunang float parade competition ng pamahalaang lungsod sa temang Batangas City Kariktan at 50.
Ayon kay Elma Ongkiko, marketing head ng Citimart, inabot ng isat kalahating buwan ang kanilang creative team sa pagbuo ng konsepto ng kanilang float na naglalarawan ng tunay na kagandahan ng lungsod ng Batangas. Naging inspirasyon aniya nila si Ms Universe 2018 Catriona Gray kung kayat gumamit sila ng earcuff bilang dekorasyon na sumisimbolo sa kariktan. Gumamit din sila ng kapeng barako ng produkto ng Batangas sa pagpipinta ng Basilica ng Inmaculada Concepcion, Plaza Mabini, Sto Niño at iba pa. Makikita rin sa dekorasyon ang mga ginawang paper mache ng mga migratory birds na nagiging atraksyon kapag sila ay nagiipon ipon sa kalye ng P. Burgos. Ilan naman sa mga native materials na kanilang dekorasyon ay banig, bao, walis, pamaypay at coffee beans. Kulay ginto ang kanilang ginamit bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng golden anniversary ng lungsod. Sakay ng karosa si Ms Bay City Mall na si Pauline Dapul. Tumanggap sila ng trophy at cash prize na P200,000.
Lubos aniya ang kanilang kasiyahan sa kanilang pagkakapanalo ng unang beses ng unang pwesto bagamat taon taon silang lumalahok dito.
Ikalawang gantimpala ang float ng Shell -Malampaya na tumanggap ng P 150,000 at third prize naman ang Verde Island Sanctuary Management Board na binigyan ng P 100,000. Tumanggap ng P 10,000 na consolation prize ang mga nagwagi ng 4th hanggang 10th place.
Dalawampu at limang floats ang lumahok kung saan sila ay nagpagalingan sa artistic creativity gamit ang mga indigenous materials at mga naggagandahang bulaklak.
Lumahok sa parada sina Mayor Beverley Rose Dimacuha, Congressman Marvey Marino, mga myembro ng Sangguniang Panglungsod sa pangunguna ni Vice Mayor Jun Berberabe gayundin ang mga department heads.
Ito ay nagsimula sa SM Hypermarket sa barangay Balagtas kung saan tumagpo ang mga streetdancers sa Capitolio papunta sa poblacion sa harap ng City Hall.
Tampok din ang karosa ni Ms Batangas City Foundation Day 2019 Bb. Zharyne Amorado Santos at ang kanyang konsorte na si Dr. Nico Amorado.
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2357
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.