45 indibidwal nagtapos ng carpentry sa TESDA

Tinanggap na 45 nagsanay ng Carpentry mula sa barangay San Agapito, Isla Verde ang kanilang Certificate mula sa Tehnical Education and Skills Development Authority (TESDA) at P1,400 allowance mula sa tanggapan ni Cong. Marvey Mariño noong nakaraang linggo.

Ang pagsasanay sa carpentry ay isinagawa ng TESDA noong Nobyembre hanggang Disyembre 2018 sa barangay San Agapitos sa kahilingan ni Cong. Mariño sa TESDA para mas maalwan at hindi na gumastos pa ng pamasahe at pangkain ang mga trainees. Ang skills training na ito ay may katumbas na National Certificate 2 (NC-2). Nakatakda ding tumanggap ng carpentry tool kit ang mga nagtapos ng pagsasanay mula kay Cong. Mariño.

Ang mga skills training ay isa sa mga programang ipinatutupad ng tanggapan ng congressman sa pakikipag ugnayan sa TESDA. Pinanghahandaan nila ngayon ang pag-uumpisa ng pagsasanay sa welding, automotive, pipe fitting at dressmaking.

 

  1.jpg 2.jpg