Miss Batangas City Day 2019 umawit sa Harana sa kanya

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 14.jpg 15.jpg 16.jpg 17.jpg 18.jpg 19.jpg 2.jpg 20.jpg 21.jpg 22.jpg 23.jpg 24.jpg 25.jpg 26.jpg 27.jpg 28.jpg 29.jpg 3.jpg 30.jpg 31.jpg 32.jpg 33.jpg 34.jpg 35.jpg 36.jpg 37.jpg 38.jpg 39.jpg 4.jpg 40.jpg 41.jpg 42.jpg 43.jpg 44.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

Ipinakita ni Miss Batangas City Foundation Day 2019 Zharyne Amorado Santos ang kanyang talento sa pag-awit sa Harana sa kanya sa Pastor-Acosta Ancentral house, gabi ng July 7, kung saan kumanta siya ng mga kundiman at iba pang mga awiting Pilipino.

Ang Harana sa Miss Batangas City Day ay isang paraan ng pamahalaang lungsod sa pamamagitan ng mga cultural activities nito na mapanatling buhay ang tradisyon ng mga Filipino kagaya ng harana kung saan noon ay inaawitan ng isang lalaki ang babaeng kanyang nililigawan.

Inawit ni Zharyne ang “Maalala Mo Kaya at Ganito Kita Kamahal” at kumanta rin kasama ang magkapatid na singers ng pamilya Pastor na sina Atty. Tonying at Pitoy sa piano accompaniment ni Dr. Edward Babasa. Hinarana naman siya ng mga mangaawit na empleyado ng City Assessor’s Office.

Masayang nakinig sa gabi ng awitan ng mga kantang Pilipino sina Mayor Beverley Dimacuha, Cong. Marvey Mariño, mga miyembro ng Cultural Affairs Committee, at city department heads kasama ang pamilya ni Zharyne.

Nang matapos ang harana, binigyan nina Mayor Beverley at Cong. Marvey ng imahe ng Sto. Nino si Zharyne bilang isang alaala ng pasasalamat sa kanyang pagpapaunlak na maging Miss Batangas City Foundation Day 2019. (PIO Batangas City)