Miss Batangas City Foundation Day 2019 si Zharyne Santos

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

Isang registered pharmacist at bagong graduate ng Medicine sa University of Sto. Tomas ngayong taong ito ang napiling Miss Batangas City Foundation Day 2019 na si Zharyne Amorado Santos.

Ang 25-year old beauty and brains ay anak ng endocrinologist na si Dr. Florence Amorado- Santos na ngayon ay pangulo ng Batangas Medical Society at ni Xygruz King Santos.

Nitong gabi ng July 4, biinisita si Zharyne at ang kanyang pamilya sa kanilang tahanan nina Mayor Beverley Rose Dimacuha, Congressman Marvey Mariño, mga department heads ng pamahalaang lungsod at miyembro ng Cultural Affairs Committee para sa “Pamanhikan”. Ito ay ang pormal na paghingi ng pagsangayon ng napiling Miss Batangas City Foundation Day na siyang huwawak ng prestihiyosong titulong ito na ipinagkakaloob lamang sa mga natatanging Batangueña.

Ipinaliwanag ni Secretary to the Mayor RD Dimacuha ang proseso ng pagpili ng Ms. Foundation Day at ang magiging partisipasyon at tungkulin ni Zharyne sa makasaysayang pagdiriwang ng ika-50 anibersaryo ng Batangas City.

Tinanggap ni Zharyne at ng kanyang pamilya ang maituturing na isang milestone sa buhay ng dalaga at nagpahayag ng pasasalamat kay Mayor Dimacuha sa “ karangalang ito hindi lamang para kay Zharyne lalo’t higit ay sa buong pamilya”.

Pormal na ipakikilala si Zharyne sa July 23 at makakasama siya sa Float Parade- Street Dancing at ilan pang tampok na gawain sa araw na ito.
Miss Batangas City Foundation Day 2019