Inmates sa Sico Jail sumailalim sa TB screening

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg

Sumailalim ang may 408 inmates ng San Jose Sico City Jail sa x-ray at TB screening, July 3, sa pagtataguyod ng ng Philippine Business for Social Progress (PBPS), isang non-governmental organization, upang maeksamin ang kalusugan ng mga inmates at maiwasan ang pagkalat ng nakahahawang sakit dito.

Nagkaloob naman ng drug testing kit ang pamahalaang lungsod ng Batangas para sa mga preso gayundin sa mga personnel at staff ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Ang magpopositibo sa drug test ay muling sasailalim nito sa July 11 habang ang magpopositibo naman sa tuberculosis ay dadalhin sa Calamba City Jail Infirmary upang gamutin.

Kaalinsabay ng naturang gawain ay ang “Operation Greyhound” na isinagawa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kung saan nag inspection sa mga inmates upang makita kung may mga illegal activities sa loob ng bilangguan partikular ang pagpapasok ng mga ilegal na droga at kontrabando.
Naging negatibo naman sa mga ilegal na gawain ang resulta ng nasabing operasyon.Inmates sa Sico Jail sumailalim sa TB screening

Sumailalim ang may 408 inmates ng San Jose Sico City Jail sa x-ray at TB screening, July 3, sa pagtataguyod ng ng Philippine Business for Social Progress (PBPS), isang non-governmental organization, upang maeksamin ang kalusugan ng mga inmates at maiwasan ang pagkalat ng nakahahawang sakit dito.

Nagkaloob naman ng drug testing kit ang pamahalaang lungsod ng Batangas para sa mga preso gayundin sa mga personnel at staff ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Ang magpopositibo sa drug test ay muling sasailalim nito sa July 11 habang ang magpopositibo naman sa tuberculosis ay dadalhin sa Calamba City Jail Infirmary upang gamutin.

Kaalinsabay ng naturang gawain ay ang “Operation Greyhound” na isinagawa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kung saan nag inspection sa mga inmates upang makita kung may mga illegal activities sa loob ng bilangguan partikular ang pagpapasok ng mga ilegal na droga at kontrabando.
Naging negatibo naman sa mga ilegal na gawain ang resulta ng nasabing operasyon.