Mga outstanding students ng CLB, kinilala.

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg

“Ang Colegio ng Lungsod ng Batangas ay katuparan ng pangarap ng aking ama, kaya naman lalo naming pinagbubuti ang nasimulan ni Mayor Eddie Dimacuha” ito ang pahayag ni Mayor Beverley Rose Dimacuha sa harap ng mga magulang at estudyanteng magsisipagtapos sa idinaos na taunang Colegio ng Lungsod ng Batangas (CLB) Student’s Day Recognition and Parents Appreciation Day, June 4, 2019 sa Batangas City convention center.

Ipinaabot ni Dimacuha ang kanyang pagbati sa lahat ng mga magtatapos lalot higit ay sa mga nagkamit ng recognition at ipinaalalang ang kanilang mga magulang ang magiging ilaw nila sa bagong landas na tatahakin.

Ang ilan sa mga binigyang pagkilala ay ang athlete of the year, best in arts & culture, best in business plan, best student research paper, best in comprehensive exam at leadership excellence award.

Mahigit sa 500 estudyante mula sa mga kursong Bachelor of Science in Elementary Education, Business Administration at Information and Communication Technology ang nakatakdang magtapos sa taong ito kung saan ang graduation ceremony ay isasagawa sa June 14 sa Batangas City Convention Center. (PIO Batangas City)