Batangas City Police Station, nakapasa sa Performance Auditing

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg

Nakapasa ang Batangas City Police Station sa Proficiency Evaluation Process Performance Audit para sa Compliance Stage ng taong 2015, 2016 at 2017 na isinagawa ng auditing team mula sa Philippine National Police (PNP) Regional Office sa pangunguna ni C, Regional Logistic Division, PCol Renato Alba noong May 23-24.

Minarkahan ang himpilan ng pulisya ayon sa limang elements tulad ng Functionality of Strategy Partners, Analysis and Examination of Strategy Execution, Stakeholder Communication, Initiatives Management at Best Practices.

Binigyan ng mataas na puntos ang Stakeholder Communication kung saan nakapaloob dito ay ang maayos na implementasyon ng communication plan, kagaya ng information education campaign sa mga programa ng kapulisan tulad PNP P.A.T.R.O.L Plan 2030, anti-drugs at iba pa gamit ang mga information materials, media, social media at iba.

Mataas na puntos rin ang nakuha para sa Functionality of Strategy Partners. Ito ay ang mga suporta ng mga katuwang na ahensya ng City PNP tulad ng Advisory Council (AC) na binubuo ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang sektor.

Ang evaluation/assessment ay isinagawa ng auditing team sa pamamagitan ng random interview sa mga police personnel at members ng AC, on site visit sa iba’t ibang tanggapan ng Batangas City Police Station at mga Police Assistance Center (PAC) sa barangay Alangilan, Balagtas at Bolbok, at review ng mga dokumento at records ng himpilan sa nasabing tatlong taon.

Ayon kay PCol Renato Alba, nag excel ang Batangas City Police Station dahil sa team work, suporta ng mga strategy partners, nina Mayor Beverley Dimacuha at Cong. Marvey Mariño. “Highly motivated ang mga policemen dito dahil sa kanilang magandang relasyon komunidad at mahusay na pamumuno ng PSupt Sancho Celedio,” dagdag pa ni PCol Alba.