Batangas City tumanggap ng award sa pagpapayabong ng mga folk dances

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg

Tumanggap ng pagkilala ang Batangas City mula sa Phiippine Folk Dance Society (PFDS) sa malaking suporta nito sa pagtataguyod ng folk dance workshops upang mapanatili at mapayabong ang mga katutubong sayaw bilang bahagi ng cultural heritage ng bansa at upang maipasa ito sa mga susunod na henerasyon.

Ang paggawad ng pagkilalang ito sa Batangas City ay bahagi ng pagdiriwang ngayong taon ng 70th founding anniversary ng PFDS, na ginanap sa Folk Arts Theatre, CCP Complex, Pasay City.

Kinatawan ni Mr. Ed Borbon, vice chairman ng Batangas City Cultural Affairs Committee, si Mayor Beverley Dimacuha sa pagtanggap ng pagkilala mula sa PFDS.

Ang parangal ay iniabot ni Mr. Rodel Mayor Fronda, pangulo ng PFDS at Ms. Josefina Guillen, past president.

Kabilang sa mga paaralan at unibersidad sa Batangas City na aktibo sa pagpapayaman ng ating mga katutubong sayaw at nakakapagtanghal din sa CCP ay ang Lahing Batangan Dance Troupe ng LPU, Diwayanis Dance Theatre ng BatStateU, Indak Bambino ng Casa del Bambino Emmanuel Montessori at Likhang Sining Dance Co. ng Marian Learning Center & Science HS.

Kaugnay pa rin ng pagdiriwang na ito ang isinasagawang folk dance workshop simula May 20-24 sa Folk Arts Theatre kung saan kalahok ang mga guro, estudyante at mga choreographers sa buong bansa. (PIO Batangas City)