Red Cross Batangas nagdaos ng training para sa mga volunteers

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg

Nagsilbing host sa ikalawang pagkakataon ang lalawigan ng Batangas sa Red Cross Action Team (RCAT143) Skills Camp na ginanap noong May 16-18 sa Provincial Sports Complex.

Ito ay nilahukan ng 20 chapters na kinabibilangan ng 200 volunteers mula sa ibat-ibang bahagi ng bansa.

Ayon kay Ronald Generoso, Chapter Administrator ng Red Cross Batangas Chapter, layunin ng nasabing gawain na mabigyan ng sapat na kasanayan at madagdagan ang kapasidad na taglay ng mga volunteers bago magkaroon ng kalamidad, habang may kalamidad at pagkatapos ng kalamidad.

Ilan sa mga pagsasanay na isinagawa ay sa area ng water and sanitation, emergency response operation center management, disaster management, safety services tulad ng pagbibigay ng first aid at ambulance operation skills gayundin sa welfare services.

Dumalo din sa opening ceremony si Christopher Staines, Head of Country Office, International Federation of Red Cross.